Nasa ligtas nang sitwasyon si dating United States Astronaut na si Buzz Aldrin makaraang bumagsak ang kanyang kalusugan.
Ito’y sa kasagsagan ng pagbisita sa Antartica na nasa South Pole kung saan, kabilang siya sa grupo ng mga turista sa lugar.
Agad dinala si Aldrin sa US Antarctic Program Research Center sakay ng isang eroplano ng National Science Foundation.
Bahagi si Aldrin ng Apollo 11 mission kasama nila Niel Armstrong na siyang unang tao na nakatapak sa buwan.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Susan Walsh / AP