Kailangang maglunsad na ang gobyerno ng epektibong “geriatric programs” o medical specialty na nakatutok sa kalusugan ng matatanda.
Ito, ayon kay Commission on Population Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez, ay upang matiyak ang aktibo at kalusugan ng “ageing community” sa bansa.
Dapat din anyang mag-develop ng mga “caring program” na maaaring ilagay sa bahay o institusyon, gaya ng home for the aged.
Binigyang-diin ni Perez na mahalaga ring bigyan ng access ang mga lolo’t lola sa paghahanapbuhay kaya’t panahon na para ikunsiderang itaas ang kasalukuyang compulsory retirement age na animnapu’t lima.
Una nang inihayag ng Philippine Statistics Authority na umabot na sa 9.2 million ang bilang ng mga pilipinong edad na sisenta pataas noong taong 2020 o na-doble kumpara sa 4.6 million noong taong 2000.