Pinasisilip ni Senadora Nancy Binay sa Philippine Retirement Authority (PRA) ang polisiya nito hinggil sa pagtanggap ng retirees.
Ito’y makaraang mapag-alaman ng Senado na pinapayagan nito ang 35 anyos na Chinese national na makapagretiro sa bansa.
Ayon kay Binay, dapat ay mapag-aralang mabuti ang polisiya tungkol sa edad ng pagreretiro at kung posible pang baguhin ang polisiya pagdating sa 35 years old na retirement age.
Lumabas kasi sa pagdinig ng Senado na ang age group na tinatanggap ng PRA para makapag-retiro sa bansa ay 35 anyos na malayo sa karaniwang retirement age.
Una rito kinuwestyon ng senado ang PRA dahil batay sa datos nito, mayroong 27, 678 Chinese nationals ang nakapagretiro sa bansa.