Nais itaas ng Pangulong Rodrigo Duterte sa 60 – anyos ang retirement age para sa mga sundalo at pulis.
Ayon sa Pangulo, masyado pang bata ang mga pulis at sundalo na nagre – retiro sa edad na 56 kaya’t lugi ang gobyerno na nagbabayad ng pensyon at retirement benefits.
Maliban dito, marami aniyang puwedeng gawin ang mga nasa edad 56 kaya’t puwede pa silang pakinabangan ng institusyon na kanilang kinabibilangan.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na ibabalik na niya sa Philippine National Police o PNP ang kapangyarihan upang pangunahan ang war on drugs.
Aminado aniya siya na wala siyang ibang maisip kundi ibalik ang PNP sa war on drugs dahil sa muling pagtaas ng mga krimeng may kaugnayan sa iligal na droga tulad ng pagpatay, panggagahasa at pagsunog sa bank employee na si Mabel Cama, sa Pasig City.