Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retiring Army Chief Rolando Bautista bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang inanunsyo ng pangulo sa kaniyang talumpati sa dinner kasama ang Philippine Military Academy Alumni Association, Incorporated (PMAAAI) na ginanap sa Malakanyang.
Magugunitang nuong nakaraang buwan, sa meeting ng pangulo sa Tugeuarao kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Ompong, sinabi nito na nais niyang italaga si Bautista sa NFA kapalit ng nagbitiw nuon na si Jason Aquino.
Nilinaw naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi tinanggihan ni Bautista ang naturang posisyon sa NFA ngunit naisip din ng pangulo na posibleng hindi ito magustuhan ng opisyal bilang malayo ito sa kaniyang industriyang pinagsisilbihan.
Nakatakdang magretiro si Bautista sa Oktubre 15.