Nagpapatuloy ang retrenchment ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa ilang bahagi ng Gitnang Silangan.
Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, nakauwi na ng bansa noong Marso ang 878 OFW’s.
Dahil dito, sinabi ng DOLE na umaabot na sa halos 1,200 ang kabuuang bilang ng mga OFW returnees.
Mahigit 200 o 23 porsiyento sa kabuuan ang nagreklamo laban sa umano’y contract violations, contract subtitution, at hindi pagbabayad sa kanilang overtime pay at iba pang benepisyo.
By Jelbert Perdez