Buo ang loob ni Congressman Enrico Pineda, chair ng labor and employment committee ng kamara, na maiiwasan ang tanggalan sa trabaho o retrenchment sa mga manggagawang Pilipino oras na matuloy ang subsidy program ng Labor Department na siya namang nakapaloob sa Bayanihan 3.
Ayon kay Pineda, kung ang datos noong nakaraang taon ang pagbabatayan, sumipa sa higit 400,000 na mga manggagawa sa formal economy ang nawalan ng trabaho dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Habang mas mataas na bilang naman ng mga manggagawa sa informal economy ang nawalan ng trabaho.
Mababatid, ani Pineda, sa kanilang proposal katuwang ang Labor Department, nais nitong i-subsidize ng pamahalaan ang 25% hanggang sa 50% sahod ng mga manggagawa.
Ipinagmalaki rin ni Pineda na sa naturang panukala, nakapaloob dito ang P52-bilyong pondo na ilalaan para sa mga wage subsidies ng pamahalaan.