Itinigil na ang retrieval operations sa isang grocery store na gumuho matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Padada, Davao del Sur.
Ayon kay Enger Luke Cadoyas, incident commander, ang retrieval operations ay itinigil kagabi matapos makumpirmang wala nang labi sa gumuhong gusali.
Sinabi ni Cadoyas na ang tatlong palapag na gusali at nakatakdang i-demolish ay nakakordon na at binabantayan na ng mga pulis sa posibleng looters.
Ang labi ng isa sa mga staff ng grocery store na si Emily Beloy na nakapagtext pa at humihinging tulong na makuha sila matapos madaganan ay ikatlo sa mga narekober ng mga otoridad noong Lunes ng gabi.