Hindi na tuloy ang reunion movie nina Megastar Sharon Cuneta at dati niyang asawa na si Gabby Concepcion.
Kinumpirma ito mismo ni Sharon sa kanyang official facebook page, kung saan humingi rin siya paumanhin sa kanyang fans.
Ayon sa Megastar, hindi na matutuloy ang paggawa nila ng pelikula ni Gabby dahil sa conflict sa kani-kanilang iskedyul at iba pang commitments.
Disyembre ng nakalipas na taon nang inanunsyo ng Star Cinema na magkakaroon ng reunion movie project ang dating mag-asawa.
By Meann Tanbio