Hindi pabor ang ilang senador sa mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-usapan sa publiko ang isinusulong na revolutionary government ng grupong sumusuporta sa kanya.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, delikado ang ‘revolutionary government’ dahil siguradong hahantong ang bansa sa pagkakahati at kaguluhan o civil war.
Kung si Senador Kiko Pangilinan ang tatanungin, sa halip na revolutionary government ang pag-usapan, pagrepaso sana sa pagtugon ng bansa kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dapat na pagtuunan ng pansin.
Ipinaalala naman ni Senador Sonny Angara na hindi maganda ang nangyayari sa ilalim ng revolutionary government dahil bumagsak ang ating ekonomiya at ibang pang aspeto.
Mas makabubuti rin, ani Angara, ang pangingibabaw ng civilian rule sa halip na batas na pangangasiwaan ng militar. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno