Umaasa si dating Senador Panfilo Lacson na kanila nang matatapos ang pagsusuri sa iba pang kahina-hinalang pondo na naisingit sa General Appropriations Act (GAA) 2015, sa loob ng dalawang linggo.
Sinabi ni Lacson na hindi katanggap-tanggap ang mga paliwanag na ang lump sum budget ay para sa mga kalamidad at iba pang pangyayari na hindi inaasahan, dahil mayroong nakalaang pondo para sa mga ito.
Ayon kay Lacson, ang kanilang natuklasang P424 billion pesos na lump sum funds ay mula pa lang sa 11 sa 21 major line agencies.
“Self-imposed deadline na 2 weeks after ‘yung delivery ng SONA sa Monday, by that time, I just hope na ma-fulfill ‘yung aming inimpose na deadline sa mga sarili namin na nandun na kami sa Korte Suprema para idulog sa pamamagitan ng isang petition for prohibition doon sa mga identified na provisions sa GAA 2015, na sa tingin namin nag-violate sa Supreme Court ruling o di kaya’y sa constitution.” Pahayag ni Lacson.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc