Nanindigan si Finance Secretary Carlos Dominguez na tuloy pa rin ang gagawing review sa naging desisyon ng DENR o Department of Environment and Natural Resources na pagsuspinde sa dalawampu’t walong (28) mga mining company.
Ito ay sa kabila ng hirit ni Environment Secretary Gina Lopez kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-suspinde ang gagawing review ng Mining Industry Coordinating Council dahil hindi ang DENR ang may kapangyarihan na gumawa nito.
Ayon kay Dominguez, mahalagang maisakatuparan ang review sa naging desisyon ni Lopez lalo pa’t maaring habulin ang gobyerno sa pinasok nitong kontrata partikular sa 75 mineral production sharing agreement sa mining companies.
Una sinabi ni Dominguez na naglaan ang gobyerno ng limampung (50) milyong piso para sa gagawing review na posibleng tumagal ng tatlong buwan.
By Rianne Briones