Nakatakdang maglabas ng nirebisang School Safety Assessment Tool (SSAT) ang Department of Education (DepEd) bilang bahagi ng implementasyon ng progressive expansion ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, sa ngayon ay isinasapinal na rin ng kagawaran ang guidelines sa pagsasagawa ng in-person learning.
Nagkaroon kasi niya ng ilang adjustment sa mga polisiya para ma-iayon sa kasalukuyang sitwasyon at kung sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19.
Umaasa naman si Garma na mas maraming paaralan ang magiging kwalipikado sa paglahok sa face-to-face classes.
Nabatid na 14,396 pampubliko at pribadong paaralan na ang nagsumite ng requirements para mapabilang sa naturang klase. —sa panulat ni Airiam Sancho