Mas hinigpitan pa ang revision na ginawa sa implementating rules and regulations sa Maharlika Investment Fund.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga kritisismo nito.
Paliwanag ng pangulo na tanging ang nagkaroon lamang ng pagbabago ay ang panig ng kapangyarihan ng board.
Dagdag pa ni PBBM, ayaw niyang magkaroon ng panghihimasok ang pulitika sa financial decision ng investment fund.
Binigyang diin din ni Pangulong Marcos na may hurisdiksyon ang pamahalaan na tanggapin o tanggalin ang isang board nominee.