May naghihintay na P300,000 sa sinumang indibiduwal na makakapagbigay ng solid at credible na impormasyon ukol sa mga magulang ni Senator Grace Poe.
Ayon kay retired Judge Jesus Nograles Rodriguez Junior, handa siyang magbigay at ang kanyang mga kaibigan sa Negros Occidental upang matuldukan na ang kumukwestyon sa tunay na pagkatao ng senadora.
Paliwanag ni Rodriguez, hindi sila supporter o kaya naman ay kaibigan ni Poe, bagkus tinitignan nila itong bilang isang makabayang pagkilos bago pa man sila tuluyang mamahinga.
By Rianne Briones