Naglaan ng P20,000 reward ang mga lgu sa Caramoan, Camarines Sur matapos nakawin ng mga salarin ang mga solar panel at power controller sa isang water system na ipinagkaloob umano ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Nabatid na walong panels at isang power system ang tinangay ng hindi pa nakikilalang salarin sa gitna ng pagsalubong ng bagong taon kasabay ng sunod-sunod na tahol ng mga aso sa lugar.
Ayon sa report ng caretaker ng cooperative water system, inakala niya na nagtahulan ang mga aso dahil sa ingay ng paputok kaya ipinagwalang bahala niya lamang ito.
Aabot sa P350,000 ang halaga ng nakuha ng mga salarin na malaki umanong kawalan sa mga magsasaka kung hindi ito maibabalik o mapapalitan sa lalong madaling panahon.