Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroong nang claimant o kumukuha sa P7 milyong pisong pabuya para sa nagturo sa kinaroroonan ng terrorist bomb maker na si Zulkipli Bin Hir alyas Marwan.
Ayon kay PNP Spokesman, Police Chief Supt. Wilben Mayor, pinoproseso na ng PNP Directorate for Intelligence ang cash reward para sa impormante.
Pero bineberipika nila kung lehitimo ang taong kumukuha ng pabuya o kung ito ba talaga ang nagbigay ng tip sa mga otoridad para matunton ang pinagtaguan ni Marwan na nilusob ng mga miyembro ng PNP Special Action Force.
Sa ngayon, tiniyak ni Mayor na intact pa ang P7 milyong pisong patong sa ulo ni Marwan at hinihintay na lamang maaprubahan para maibigay sa claimant.
Nilinaw naman ni Mayor na tanging ang pabuya galing sa gobyerno ng Pilipinas ang kanilang pinoproseso at wala sa kanila ang disposisyon para sa hiwalay na 5 bilyong dolyar na galing naman sa Estados Unidos.
By Jonathan Andal