Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong (3) milyong piso ang alok na reward money para sa mga maaaresto o mapapatay na tinaguriang mga ninja cops o mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa harap ng mga kawani ng pamahalaan sa Malacañang kasunod ng kabiguan sa pagdakip ng mga itinuturing na ninja cops sa hanay ng PNP o Philippine National Police.
Una rito, inamin din ng Pangulo sa isang panayam na talamak ang pag-abuso ng mga pulis sa Metro Manila tulad aniya sa kaso ng 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na ang tangi lamang niyang poprotektahang ay ang mga pulis na gumaganap lang sa kanilang tungkulin at hindi ang mga abusado.
—-