Nabunyag ang cash reward policy na ipinatutupad ng OTS o Office of Transportation Security sa kanilang mga tauhan na makakasabat ng mga kontrabando tulad ng armas at pampasabog sa security checkpoints.
Nakasaad sa memorandum na may titulong proposed rewards/awards for deserving OTS personnel, ang reward na hanggang P1,000 para sa mga pampasabog, armas, stunning device at dangerous drugs na makikita ng ots personnel o security screening officers.
Kinumpirma ni Transport Security Risk Management Bureau Assistant Administration Director Roberto Almadin ang nasabing memo subalit dalawa o tatlong empleyado pa lamang nila ang nabigyan ng reward.
Nilinaw ni Almadin na walang kinalaman ang naturang memo sa laglag bala controversy.
Binigyang diin naman ni OTS Administrator Roland recomono na isinulong nila ang reward para palakasin ang kalagayan at moral ng OTS personnel.
By Judith Larino