Pinarerepaso ng mga senador sa pambansang pulisya ang kanilang intellegence gathering upang masupil na ang mga private armed group sa bansa.
Iyan ang tinuran nila Senador JV Ejercito at Koko Pimentel kasunod ng nangyaring pagkakapaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Ayon kay Ejercito, lubhang napakalaki aniya ng pondo na inilalaan para sa intellegence ng pnp subalit karamihan sa mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng private armed groups ay nananatiling unresolved.
Gayunman, nakikita ni Ejercito na tila dumidepende na lamang sa reward system ang bilis o bagal sa pagkakaresolba ng mga kaso bagay na ikinababahala ng senador.
“Ang mga worry ko dito ay dissolve doon ako nababahala. Kaya lumalakas ang loob ng mga gun for hire na ito, pulitiko na nagbabalak ipapatay ang kalban nila kasi walang naresolve sa mga political hearings.” Pahayag ni Ejercito.
Para naman kay Pimentel, maganda na maresolba agad ng Philippine National police (PNP) ang lahat ng kaso ng pagpatay upang maging mabilis ang paglilitis at paghahatid ng katarungan sa pamilya ng mga biktima.
“Mas malaking hamon po ito sa mga law enforcements because they have to solve the crimes. Pabayaan na natin ang gating judiciary kasi independent branch iyan,” Ani Pimentel.