Mahigit 90% ng mga transaksyon sa mga tollways ang ginagamitan na ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers.
Ito ang inihayag ng Department Of Transportation (DOTr), magmula ng sinimulang ipatupad ang 100% cashless collection scheme sa mga tollways noong Disyembre 1.
Batay anila sa datos ng Toll Regulatory Board (TRB) noong Disyembre 8, umaabot na sa mahigit 3.7-M mga RFID stickers ang naikabit.
Bumaba na rin anila sa halos 28K ang bilang ng mga pumipilang motorista sa mga tollways mula sa naitalang 34K noong Disyembre 1.
Sinabi ni TRB Executive Director Abraham Sales, nangangahulugan itong karamihan ng mga motoristang gumagamit ng tollways ang nakapagpakabit na ng RFID stickers.