Walang mangyayaring hulihan sa mga sasakyang walang naka-install na RFID hanggang Enero 11, 2021.
Sa abiso ng Transportation Department, sinabi nito na mananatiling bukas 24/7 ang mga RFID installation sa mga toll booth hanggang sa susunod na taon kahit pa maging cashless system na ang mga toll booth pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Ibig sabihin, sa mga sasakyang walang RFID pagsapit ng aprimero ng Disyembre, pupwede nang sa mismong toll gate kakabitan ang mga ito.
Sa huli, iginiit ng transportation department, na magiging full swing na ang pagpapatupad ng cashless system ng Autosweep at Easytrip.