Hinimok ni Dating Pangulong Fidel Ramos si Pangulong Rodrigo Duterte na ganap nang ipatupad ang Reproductive Health o RH Law.
Sa isang open letter na ipinadala ni Ramos sa punong ehekutibo, muling ipinaalala nito ang naging pahayag ni Duterte sa kaniyang SONA na kailangang maipatupad na ang nasabing batas.
Giit ni Ramos, panahon na upang ipatupad ang RH law upang makatulong sa kampaniya ng gubyerno kontra kahirapan gayundin sa pagsasaayos ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
Inilabas ni Ramos ang nasabing panawagan eksaktong 18 buwan mula nang maglabas ng Dalawang Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema para sa ganap na pagpapatupad ng RH Law mula nang lagdaan ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
By: Jaymark Dagala