Nanawagan ang European Union sa Pilipinas na ganap nang ipatupad ang RH o Reproductive Health Law na posible lamang kung tatanggalin ng Korte Suprema ang inilabas nitong TRO o Temporary Restraining Order.
Ayon kay EU Ambassador Franz jessen, bagama’t suportado nila ang pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing batas, bigo pa rin ang Pilipinas na matupad ang rh-Related Millennium Development Goal nito para sa taong 2011-2016.
Nangangamba si Jessen na bunsod ng inilabas na TRO ay tuluyang hindi na mapakinabangan ang may pitumpung porsyento ng mga modern contraceptives na naka-imbak lamang sa mga pampublikong ospital gayundin sa mga klinika sa kanayunan.
Nababahala rin ang EU na tumaas pa lalo ang kaso ng teenage pregnancy lalo na sa Pilipinas na bansang may pinakamataas na kaso sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.
By: Jaymark Dagala