Hindi matitinag ang simbahang katolika sa pagkundena sa inaprubahang Executive Order Number 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa ganap na pagpapatupad ng Reproductive Health o RH law sa kabila ng umiiral na temporary restraining order o TRO na ipinalabas ng Korte Suprema laban dito.
Batay sa inilabas na pahayag ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, binubuksan anila ng pamahalaan ang pintuan ng impiyerno para sa mga Pilipino.
Dahil sa pagpapatupad ng nasabing batas, nangangamba silang lumaganap ang paggamit sa artificial contraception, abortion, diborsyo, same sex union na maaaring humantong sa pagbaleawala sa aral ng Diyos.
By: Jaymark Dagala