Rumesbak ang Actress-Model na si Rhian Ramos laban sa kaniyang mga basher na pilit na nang-ookray sa kaniyang itsura.
Ito ay matapos magbigay ng komento ang isang basher sa isang photo ng aktres na nakapost sa kaniyang Instagram account.
Base sa iniwang komento ng nasabing netizen, “Look-alike ng Aktres si Petrang Kabayo kaya dapat na maghugas na lamang ito ng pinggan.”
Agad namang ni-repost ni Rhian ang iniwang komento ng kaniyang basher kalakip ang maikling video na mala TV commercial ang datingan.
Sa nasabing IG reel, makikitang suot ni Rhian ang black cut-out long dress habang naghuhugas ng kawali sa lababo with matching slow-motion effect kaya lumutang ang kanyang “pang-aakit” scene.
Umani naman ng ibat-ibang reaksiyon sa mga netizen maging sa mga celebrity ang ginawang pambabara ni Rhian sa social media laban sa kaniyang basher.