Sinuspende ng Rural Health Unit (RHU) sa San Marcelino sa Zambalez ang kanilang operasyon matapos na magpositibo sa COVID-19 ang mga empleyado nito.
Ayon sa RHU, ang nasabing suspensyon ay para mabigyan ng panahon ang mga manggagawa nito na sumailalim sa RT-PCR tests.
Inabisuhan naman ng pamunuan ng Rural Health na pansamantalang pumunta sa mga border checkpoint para mamakuha ng libreng antigen test lalo na ang mga nagtatrabaho sa labas ng lalawigan. —sa panulat ni Rex Espiritu