Nilinaw ng Department of Agriculture na epektibo lamang ang deklarasyon ng food security on rice sa mga lugar na may mataas na presyo ng bigas.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa, ang emergency declaration ay base sa republic act 12078, na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law.
Batay rito, binibigyan ng otoridad ang Agriculture Secretary na mag-deklara ng food security emergencies sa mga lugar na may kakulangan sa food supply at hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo.
Una nang sinabi ng D.A. na posible nang i-deklara ang rice emergency bukas, Pebrero a-4 at kanila nang pinag-aaralan ang mga lugar na maaapektuhan ng naturang deklarasyon. – Sa panulat ni Laica Cuevas