Umalma ang PCGA o Philippine Confederation of Grains Association sa ispekulasyon anitong minamanipula ng rice millers ang presyo ng bigas.
Ayon kay PCGA President Joji Co, imposibleng mamanipula nila ang presyuhan dahil sa haba ng prosesong pinagdadaanan o hanggang walong channel ang pamamahagi ng bigas.
Sinabi ni Co na mayroong kani-kaniyang interes ang bawat channel na pinagdadananan ng rice distribution na kinabibilangan ng magsasaka, palay traders, rice miller, transporter, wholesaler, rice trader at pinakahuli ang retailer.
Binigyang diin pa ni Co na hindi nangangahulugang kapag nagkaroon ng kakulangan sa supply ng buffer stock ng NFA ay awtomatiko nang apektado ang presyuhan ng commercial rice sa merkado.
Ang presyo aniya ng bigas ay nakadepende sa daloy ng produksyon.