Pansamantalang solusyon lamang ang pagsuspinde ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-angkat ng bigas sa harap ng bumabagsak na kita ng mga lokal na magsasaka.
Ayon kay Albay Congressman Joey Salceda, hindi maaaring itigil ng permanente ang rice importation dahil kailangan nating sumunod sa commitment ng bansa sa World Trade Organization.
Sa ngayon anya, walang bansang aangal na hindi sumusunod ang Pilipinas sa mga pinapasok nitong kasunduan dahil sa kasalukuyan ay lampas na tayo sa ipinangakong dami ng bigas na aangkatin.
Ibig sabihin, unang-una, ‘yung mismong kautusan ng pangulo, ang interpretation po ng ating mga regulatory agencies, like for Bureau of Customs, e, talagang higpitan muna ‘yung SPS, meaning to say ‘yung sanitary and phytosanitary inspection; pangalawa, ‘yung pag-iisyu po ng lisensya kasi kailangan mo pa rin po ng license para mag-import,” ani Salceda.
So, basically, it’s an admin measure in the part of the president, but, in general, sa law po, talagang ni-liberalized natin, tinanggal natin ‘yung kakayahan ng Pilipinas na mag-impose po ng quantitative restrictions,” ani Salceda.
Ayon kay Salceda, may mga paraan pa naman para hindi na maulit ang nangyari sa mga magsasaka sa sandaling kailangan na uling mag-import ng bigas ng bansa para makasunod sa trade agreements nito.
Maaari naman anyang maglagay ng mga dagdag na insentibo para sa mga magsasaka dahil ang mga traders lang ang pangunahing nakinabang sa rice tarification law.
Una rito, ipinasuspindi ng pangulo ang rice importation matapos na bumagsak na sa halo P10.00 na lamang ang presyo ng palay.
Production consolidation ang tawag po niyan, halimbawa 100 farmers, so lagyan natin ng mechanize harvester, lagyan nating ng tinatawag nating mechanical dryer, ibig sabihin ‘yung mga shared service facilities para po tumaas ‘yung bargaining position nila laban po sa mga traders kasi nga ang traders talaga ang siyang nakinabang sa rice tariffication law,” ani Salceda. — sa panayam ng Ratsada Balita