Sisimulan na ng NFA o National Food Authority ang pag-aangkat ng tinatayang 250,000 metriko toneladang bigas sa buwan ng Hunyo.
Kasunod ito ng nanging desisyon ng NFA Council para bigyang daan ang pagpasok ng mahigit 3.6 na milyong metriko tonaladang bigas na aanihin ng mga magsasaka sa una at ikalawang bahagi ng taon.
Ayon kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr, Government to Private ang gagamiting mode of procurement para sa nasabing importasyon ng bigas batay na rin sa desisyon ng NFA Council.
Kasabay nito, nakatakda rin aniyang dumating ang mahigit 500,000 metriko tonelada ng bigas mula sa mga pribadong rice trader sa ilalim ng minimum access volume.
Ayon kay Evasco, aabot na sa 28 milyong metriko tonelada na ng bigas ang nasa pamilihan sa bansa na tatagal ng hanggang sa 121 araw.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio