Tuloy ang pag-angkat ng bigas ng Pilipinas sa ilalim ng rice tariffication law.
Nilinaw ito ni Agriculture Secretary William Dar matapos 2 beses na pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa rice importation sa panahon ng pag-ani.
Ayon kay Dar layon nang pagpapatuoy ng rice importation na matiyak ang sapat na supply ng bigas sa bansa.
Miyerkules ng gabi nang magpulong ang Pangulo at si Dar kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Finance Secretary Carlos Dominguez hinggil sa naturang usapin.