Ipinasususpinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Ito ay sa gitna na rin ng naging masamang epekto sa mga lokal na magsasaka ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law na siyang nag-alis ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay Pangulong Duterte, kinakailangan nang kumilos ng pamahalaan at umpisahang bumili ng mga lokal na bigas para matulungan ang mga naluluging magsasakang Pilipino.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Oktubre 25, bumagsak sa pinakamababa sa loob ng walong taon ang presyo ng palay.
Nasa P15. 35 na lamang ang farm gate price ng bigas na 27% mababa kumpara sa presyo nito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.