Nanindigan ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na dapat i-blacklist ang mga rice importer na binigyan ng import permit ngunit hindi nag-aangkat.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang-diin ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet na ang pagkakaroon ng import clearance ay isang pribilehiyo at hindi karapatan para manamantala.
Kaugnay nito, iginiit ni SINAG Executive Director Cainglet na sapat ang supply ng bigas sa bansa at ang naturang pag-aangkat ay para sa buffer stocking lamang. - sa panulat ni Maianne Palma