Posibleng mag-angkat ng mas marami pang bigas ang Pilipinas ngayong taon dahil sa pinsala ng mga nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura.
Ayon ito kay Pangulong Ferdinand Marcos jr., kung saan iginiit na mabuti naman ang food security ng bansa, ngunit kailangan lamang punan ang mga nasirang pananim.
Sinabi ng pangulo na posibleng umabot sa apat at kalahating milyong tonelada ang rice importation ngayong taon, mas mataas sa naitalang 3.9 million tonelada lamang noong 2023.
Una rito, kinumpirma ng Deparment of Agriculture na magreresulta sa pagbaba ng produksyon ng bigas ang sunud-sunod na bagyo, hanggang sa katapusan ng taon.
Sa datos ng D.A. umabot na sa 9.8 billion pesos ang pinagsamang pinsala ng bagyong Kristine at Leon sa sektor ng agrikultura, bukod pa sa halos 250,000 pesos na halaga na pinsala ng bagyong Nika. Sa panulat ni Kat Gonzales