Dismayado ang ilang rice industry group sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maisabatas na ang rice tarrification bill.
Layon ng naturang batas na mapadami ang suplay ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pagpapagaan ng regulasyon sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay Rowena Del Rosario-Sadicon ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement, magdudulot lamang ito ng malaking kaguluhan.
Posible aniyang mapababa nito ang presyo ng bigas ngunit kalaunan ay aasa na lamang ang Pilipinas sa purong pag-aangkat ng bigas.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na mapabababa ng naturang panukalang-batas ang presyo ng bigas sa bansa.