Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na makatutulong ang pag-amyenda sa Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation act upang dumami ang produksyon ng bigas sa bansa.
Sa ilalim ng bagong batas, ang kabuuang 58,000,000,000 na utang ng mahigit 68 Agrarian Reform Beneficiaries mula sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay sasagutin na ng gobyerno.
Ang mga lupa na ibinigay sa ilalim ng agrarian reform ay bibigyan din ng exemption sa pagbabayad ng estate tax.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang pamahalaan na rin ang magbabayad sa P206.2 M na pagkakautang ng mahigit 10,000 agrarian reform beneficiaries sa may-ari ng lupa na kanilang sinasaka alinsunod sa voluntary land transfer-direct payment scheme.
Ang mga makikinabang anya sa R.A. 11953 ay nagsasaka ng mahigit 1.1 million hectares ng palayan.
Samantala, nanawagan naman ang leader ng kamara sa mga ahensya ng gobyerno, partikular sa Departments of Agrarian Reform, Agriculture at National Irrigation Authority nang tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka