Hindi kayang ibaba ng ilang rice retailers ang kanilang ibinebentang bigas sa kabila ng papalapit na harvest season o anihan ng mga palay.
Kasunod din ito ng pagbaba ng presyo ng produkto sa world market at pagdami ng suplay.
Ayon sa mga rice retailers sa Pasay Public Market, na hindi sila basta-basta nagbababa ng presyo ng bigas, hindi tulad sa ilang pamilihan.
Kung mayroon man anyang bagsak-presyo, hindi ito tinatangkilik ng nakararami dahil sa kalidad nitong madilaw at mabahong amoy.
Sa ngayon, nananatiling mataas ang ilang klase ng bigas gaya ng well milled rice na maalsa at mabango na naglalaro ang presyo sa hanggang P56 at special rice na nasa P70 ang kada kilo.