Inamin ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nito kayang abutin ang pagiging rice self-suffiency ng Pilipinas sa taong ito.
Inihayag ito ni Agriculture Secretary Proceso Alcala kasunod ng ginawang pagtatapyas ng Department of Budget and Management o DBM sa kanilang pondo para sa produksyon ng palay.
Kasunod nito, sinabi ni Alcala na hindi nila maiiwasang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa upang matiyak ang sapat na suplay nito.
Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon, target nilang makapag-produce ng 19 na milyong toneladang bigas sa halip na abutin ang target na 20 milyong metriko tonelada na siyang pamantayan sa pagiging rice self-sufficiency ng bansa.
By Jaymark Dagala | Monchet Laranio