Posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas ngayong taon.
Ito ang pangamba ng mga magsasaka kung hindi anila papayagan ng National Food Authority o NFA ang pagpasok sa bansa ng walong milyong sako ng bigas mula sa Thailand at Vietnam.
Ayon kay Edwin Paraluman ng Philippine Farmers Advisory Board, nagtakda si NFA Administrator Jason Aquino na hanggang Pebrero 28 na lamang papayagan ang pagdating ng mga inangkat na bigas sa ilalim ng Minimum Access Volume Program.
Ang problema ayon kay Paraluman, ilang magsasaka at kooperatiba ang nagbayad na nang advanced ng 35% taripa para sa walong milyong sako ng imported rice.
Apila ng grupo, palawigin pa hanggang sa katapusan ng Marso ang pagpapapasok ng mga inangkat na bigas dahil maliban sa posibleng kakapusan sa suplay ay posible ring tumaas ang halaga ng presyo ng bigas.
By Ralph Obina