Aminado ang NFA o National Food Authority na problema pa rin ang rice smuggling sa bansa lalo na sa Zamboanga.
Ayon kay NFA administrator Renan Dalisay, problemado sila sa dami ng pribadong wharfs o daungan sa zamboanga kung saan idinidiretso ang mga smuggled rice mula sa malalaking barko.
Gayunman, mula aniya noong nakaraang taon, marami na silang nahuling rice smugglers sa mga lalawigan at wala na ring nakakalusot dito sa Metro Manila.
Una nang sinabi ni Dalisay na handa siyang magbitiw sa puwesto kung mapapatunayang talamak pa rin hanggang ngayon ang rice smuggling sa bansa.
“Ang hirap talagang bantayan ito, pero ito’y patuloy nating ginagawa, kung mamomonitor ninyo ang balita sa nakaraang isang taon, marami po tayong nahuli kung saan ang National Food Authority ang nag-initiate nito, ating kinasuhan at na-blacklist sa ating accreditation.” Pahayag ni Dalisay.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas