Ipinagmalaki ng Department of Agriculture o DA ang magandang produksyon ng bigas at mais sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, aabot sa humigit kumulang apat at kalahating milyong metriko toneladang bigas ang naani mula Enero hanggang Marso.
Mas maataas ito ng labing apat na porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon habang aabot naman sa dalawa’t kalahating milyong metriko tonelada ang na-produce na mais.
Dahil dito, kumpiyansa si Piñol na nasa tamang landas ang Pilipinas at inaasahang makakamit nito ang 97 porsyentong rice self-sufficiency ngayong taon.
—-