Masusing nirerapaso ng Department of Agriculture ang Rice Tarrification Law (RTL) at mandato ng National Food Authority (NFA) upang matiyak ang food security.
Sa ilalim ng RTL, pinapayagan ang liberalized importation ng bigas, habang ang NFA ay may papel lamang na tiyaking sapat ang supply ng rice buffer stocks sa Pilipinas o tatlumpung araw ng total consumption ng bansa tuwing lean season.
Pero bago isabatas ang RTL, ang NFA Ang nag-re-regulate ng rice sector at tanging ahensyang pinapayagang mag-import ng bigas.
Inihayag ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na pinag-aaralan ng kagawaran kung papayagang muli ang NFA na mag-angkat ng bigas kahit nasa ilalim ng liberalized trading regime.
Alinsunod sa Rice Tarrification Law, hindi pinapayagan ang NFA na mag-angkat ng bigas.