Patuloy na idinidipensa ng Department of Agriculture o D.A sa mga kritiko ang Rice Tariffication Law kasunod ng pagbaba ng presyo ng lokal na palay.
Una nang sinisi ng ilang mga magsasaka sa Central Luzon ang naturang panukalang batas kaya bumagsak sa pito hanggang sampung piso ang kada kilo ng palay.
Ayon kay D.A Spokesman Noel Reyes, hindi ang batas kundi ang mga rice traders na nanamantala sa bagong batas ang nag ho – hoard ng mga palay.
Sa ngayon aniya ay hindi nag re reflect sa merkado ang tamang presyo sa pumasok na volume ng imported rice.
Sinabi pa ni Reyes na dapat ay bitawan na ito ng mga traders para bumaba ang presyo ng bigas.
Wala pa man aniya ang naturang batas ay ginagawa na ito ng ilang traders para mapataas ang presyo ng bigas at mabili naman ng mura ang mga palay.