Umapela na ang ilang stakeholder kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto na ang Rice Tarrification Bill na nakatakdang ma-paso at maging isang ganap na batas sa oras na hindi lagdaan.
Sa liham kay Pangulong Duterte, hiniling ng mga stakeholder na dapat nang magpasya ang punong ehekutibo sa lalong madaling panahon.
Marami anilang buhay at pamilya ng milyun-milyong pilipinong kumakain ang maaapektuhan sa oras na isabatas ang Rice Tariffication Bill.
Sa sandaling maging batas, aalisin ng nabanggit na panukalang batas ang lahat ng government safety measure at program na idinesenyo upang tulungan ang milyun-milyong magsasaka at mahirap na consumer.
Enero 15 nang isumite ang Tariffication Bill sa Malakanyang at sa ilalim ng 1987 constitution ay may isang buwan ang pangulo upang lagdaan ang isang bill at maging batas o i-veto sa sandaling matanggap mula sa Kongreso.
Pero kung hindi lalagdaan sa loob ng isang buwan ay otomatiko itong magiging batas.