Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet na palakasin ang rice trade sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.
Ito ang tinalakay ng dalawang lider sa kanilang pagpupulong sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit.
Bukod sa pagpapaigting sa kalakalan ng bigas, napag-usapan din nina Pangulong Marcos at Prime Minister Manet ang double taxation, defense ties, at “ease of doing business.”
Samantala, nagplano rin ang mga lider sa pagpapalawak ng flight connections sa pagitan ng dalawang bansa upang magkaroon ng mas magandang access ang mga turista sa iba’t ibang destinasyon.