Binalikan ni senate blue ribbon committee chair Richard Gordon ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtatanggol sa mga indibidwal na sangkot sa umano’y overpriced medical supplies.
Tinawag na cheap politician ni Gordon ang Pangulo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa nasabing anomalya.
Binigyang-diin ni Gordon na kitang kita ang pagsisilbing abogado ng Pangulo kina dating budget undersecretary Lloyd Christopher Lao at dating presidential economic adviser Michael Yang.
Sinabihan pa ni Gordon ang Pangulo na hindi dapat mabahala sa mga pagtatanong para malaman ang katotohanan subalit malinaw ang pagsisinungaling ng mga dating opisyal na pilit idinidipensa ng Pangulo.
Muling iginiit ni Gordon na ang utang na loob ay hindi dapat palitan ng katiwalian o maging lisensya para magnakaw sa gobyerno.