Kumpirmado na sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ang magiging leading men ni Vice Ganda para sa kanyang Metro Manila Film Festival na entry na “Fantastica”.
Tampok din sa naturang peklikula ni Vice sina Bela Padilla, ang love teams na sina Maymay Entrata at Edward Barber, Donny Pangilinan at Kisses Delavin at Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Maliban dito, magiging bahagi din ng upcoming cinema blockbuster sina Maris Racal, Jaclyn Jose, Ryan Bang at marami pang iba.
Matatandaang ang huling pelikula ni Vice na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” na entry noong MMFF 2017 kung saan kasama nito sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Daniel Padilla ay kumita ng P700 milyon kaya ito tinaguriang highest grossing local film.
Ngayong taon, target naman ni Vice na kumita ng P900 million ang kanyang pelikulang “Fantastica”.
#TopStory: Here are fresh deets on the super stellar casting of “Fantastica”! https://t.co/tMfgCApaBn
— Star Cinema (@StarCinema) July 14, 2018