Ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa ride sharing company na Arcade City ang pagpapatigil sa operasyon nito.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson, Atty. Aileen Lizada, wala pa silang natatanggap na aplikasyon mula sa Arcade City para ikunsidera ito bilang Transportation Network Company.
Hindi pa anya awtorisado ang Arcade City na mag-operate bilang TNC dahil wala pa naman itong akreditasyon mula sa LTFRB kaya’t ikinukunsidera pang colorum ang nasabing Transport Network Vehicle Service.
Ibinabala ni Lizada na hindi sila magda-dalawang-isip na magsampa ng kaso kung hindi ititigil ng Arcade City ang lahat ng bookings nito.
By Drew Nacino