Dead on arrival sa ospital ang menor de edad na rider at ang angkas niyang babae matapos silang bumangga sa kasalubong na bus sa Argao, Cebu.
Ayon sa mga saksi sa lugar, nangyari ang aksidente sa palikong bahagi ng highway sa barangay Poblacion
Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang rider sa motorsiklo hanggang sa bumangga sila sa nakasalubong na bus.
Pawang walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente.
Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng bus na mahaharap sa reckless imprudence resulting in homicide